Friday, June 27, 2014


 O sige, Tagalugin ko na para walang away...


Isinulat sa: Calgary, Alberta, Canada
Pagkakalikha: Kinopya sa isang liham na aking isinulat bilang kasagutan sa isang talakayan online
Ang nakaraan: Discussing Citizenship, Part II


May napansin ako: Karamihan ng aking nakaraang kasulatan ay pulos tinatalakay ang mga paksang Identity, Citizenship, at kung papano maging isang Pinoy na isinilang sa Pilipinas ngunit tumanda at lumaki dito sa Canada. Sa lawak ng aking pagda da daldal, akin na ring naidamay ang aking magulang sa aking mga kasulatan. Sa aking paglalakbay online at paghahanap ng babasahing nakaka aliw at nakakapag pa isip, aking natiyempuhan ang isang sulatin na talaga namang aking pinag interasan.

Basahin: Half Filipinos, Joey De Leon, at Filipino Pride
"Sa susunod na may aapak sa entablado na half-Filipino, half-foreign, sana kilatisin nating mabuti kung siya nga ba ay tunay na Pilipino o hindi."
-Kalihim ng Yangdon

At kung ang replies section ay inyong pupuntahan, inyong mapansin na may nag iwan ng komento na maaring pamilyar ang online name sa inyo:


Malugod ko po kayong pinasasalamatan sa pagsulat nito. Talaga namang ako’y nasarapan sa pagbasa dahil para bang ito ay talagang “relevant” sa aking buhay. Kung tutuusin, medyo kabaliktaran ng aking naranasan, pero ang mensahe ay aking naiintindihan. Kabaliktaran man sa aking karanasan, ito ay galing sa iisang ugali’t pananaw ng mga Pilipino na puro dugo’t lahi lang ang pinagtutuunan ng pansin, at hindi ang kagustuhan/ ugali/ “identity” at “choices” ng taong pinaguusapan.


 Karugtong...
Ako po’y isang Canadian na ipinanganak sa Pilipinas. Ito pong liham na ito ay aking sinusulat sa siyudad ng Calgary, Probinsya ng Alberta. Sa dugo/lahi, ako ay masasabing purong Pilipino. Kinse anyos ako nung lumisan ng Pilipinas – malaki na at marami nang naranasan. Kaya kahit na ako’y nakaka labing pitong taon na dito sa Canada (oo! Mas nakatatagal na ako dito kaysa sa Pilipinas) ay marunong pa rin akong managalog. Marunong din akong makisama sa Pilipino, at nakukuha ko pa rin ang patawang Pinoy.
Nung ako’y minsang bumisita ng Pilipinas, aking napuna na para bang ang mga Pilipino sa Pilipinas ay umaasa na aking ituturing na Pilipinas pa rin ang aking bansa. Kadalasan, sinasakyan ko na lang kasi minsan napansin ko rin na pag ipinahiwatig mo na kinalilituhan mo na ang bagay bagay sa Pilipinas, at hindi ka na sigurado kung kaya mo itong mahalin at ituring na bansa mo, ay para bang paparatangan ka na ikaw ay mayabang! Mabilis silang mang-akusa na baka ikinahihiya ko daw ang pagka Pilipino!
Hindi naman sa ikinahihiya ko – sa akin lang naman, hindi na yata makatarungan kung ako’y magbabandila ng Pilipinas matapos na ako’y manirahan sa ibang bansa ng pagkatagal tagal.
Isa pa, nanilbihan na rin ako sa Army ng Canada. Opo! Ako po’y naging isang sundalo ng bansang ito. Dito rin ako nagtapos ng highschool, dito nag kolehiyo at nakakuha ng diploma sa Broadcasting, dito na rin nag Unibersidad at nakakuha ng Degree sa Development Studies. Oo nga pala, dahil nabanggit ko na dito rin pala ako nagtapos ng Highschool – para sa pagpapaalam sa aking kabataan, “this is a big deal” ika nga.
Hindi naman yata tama na talikuran ko na lang lahat ng ito at sabihing ako’y “Pinoy Pa Rin”, dahil ako nama’y hindi na talaga Pinoy. Marunong lang akong managalog, mukha akong Asyano, at may alaala ako ng pagkabata sa Pilipinas. Pero hanggang doon na lang, wala nang iba. Dito na ako sa Calgary naninirahan, naninilbihan (ako’y aktibo sa aking “civic participation” dito), at nagtatrabaho. Lahat ng papeles ko sabi ako’y Canadian na. Isa pa, wala naman kasing pakialam sa kung saang parte ka man galing ng mundo dito, kahit anong kulay ng balat mo. Lahat ng tao dito pantay pantay. Kahit na ako’y naturalized citizen lamang, purong Canadian ang turing sa akin dito.
Isa pa – at ang isa sa mga pinakaimportante kong gustong sabihin – kung sakasakaling ako’y babalik ng Pilipinas ng may pagka permanente, gusto ko itong KITAIN na muli. “I wish to learn and earn how to be Filipino once again”, ika nga.
Kaya, gaya ng naisulat dito, ako ay sumasangayon sa mensahe na kilatisin nating mabuti kung sino talaga ang Pinoy o hindi. Basta ba nagkadugo lang ng kaunting pinoy, “Pinoy” na?
Salamat nga pala muli sa pagsulat nito.
Nagmamahal
Randy ng Calgary, Alberta, Canada
http://adogcalledstray.blogspot.ca/2014/02/n60-discussing-citizenship-aba-oo.html



Future Post: We All Have Different Fortunes

Related Posts: Discussing Citizenship Part II 
                            Discussing Citizenship
                            Trials and Tribulations Though Talented in Talking Tagalog
                            The true utillity of Filipino Citizenship
                            Dear Expat, Whitey, or Balikbayan: Be Careful What you Say!

Further Reading: Half Filipinos, Joey De Leon, and Filipino Pride 
                                Secretary of Yangdon, Kalihim ng Yangdon:
                                Mabuting Palakad, Bayang Maunlad
                                ( This article is in Tagalog, Click Here for the English Version )

                            Jessica Sanchez and Racial Profiling,
                                by Joe America



Labels: , , , , , , , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home